KIAL – Bughaw

KIAL – Bughaw (Music Video)

1st verse:

Sobra na ang init, kahit maulan,
nakakabadtrip pagnaipit sa trapik paghabulan

ng oras di ka makasingit, medyo kumakalam ang sikmura mamimilipit ka na di pa mapunan

Kayod ng kayod, may dilang kabayo, laylay na sa pagod tapos pagbukas sa balot, kapiranggot lang ang sahod

ni hindi mo mapaabot ng linggo, mapapakamot na lang, panay ang sabay sa agos kung saan-saan na lang inanod

Masyadong iniisip ang kinabukasan di mo na magampanan ang buhay mo ngayon, ang ala-ala ng bawat kahapon ay nakakulong lagi sa kwarto na balagong sa trabahong ikaw ang makina’t kahon

Ang paghabol sa magandang kapalaran na hawak ni kamatayan na unti-unti kang ibinabaon, katumbas lang ng paghiling na balang araw ay yumaman na inasa sa baryang, inihagis sa balon

—-

Chorus:

Hanggang kailan
Maglalakbay
Ang isip
Paggising
Maging ‘sing
ganda ng lugar sa taas ang buhay mong taglay
(2x)

2nd verse:

Ang daming hinahangad, pursigido na agad-agad kumabig ng sagad naging dakilang alagad ng pera (pera, pera, pera, pera)

Pero, puro, pera man ang, laman ng, isipan ay hindi mo masuhulan ang,

Pusong umiibig ng tapat, di mapipigil sapagkat, hahamakin ang lahat (lahat, lahat, lahat)

Lahat tayo’y may hangganan
labanan ba ay pahabaan at tagal ng pagtibok ng puso at ng paghinga

O pasarapan ng karanasan maging mali o tama madali mang sumapit ang mapayapang pahinga?

3rd verse:

May sa kalye na natuto, sa diskarte lang sanay, may nasa gusaling puro pindot ang mga kamay

Nagsisipag, para lang maging maayos ang lagay, kaso sa sobrang sipag halos magpakamatay

Para san nga ba ang buhay, san ba dapat na mamulat? pano mapupunta sa langit? Dapat ba may krus na buhat?

May impyerno nga ba na may kasamaang di masusukat? O ito na yon, pinatitino lang tayo ng mga nakasulat?

Ch. Outro

Simulan mong lumipad, sa alapaap, ika’y yumakap, sa ulap na hatid nitong kalikasan nya(kalikasan na nagsasabing kalma ka lang)

Composed by: KIAL
Beat Produced by: Matik Music

KIAL 1998 ep Album

(Visited 6 times, 1 visits today)
Medical CBD Oil! More than 50% off sale today!

Hemp Oil Bought By Athletes

You might be interested in

WHERE ARE YOU GOING?

CBD Oil Sale Today! Get your CBD Oil at 66% off!