KJah – Patalastas feat. Tatz Maven & Kregga

KJah – Patalastas feat. Tatz Maven & Kregga (Official Music Video)

KJah – Kamao ng Kankaloo EP out now! | LYRICS SA BABA ⬇️
For orders or bookings, send a message to www.facebook.com/uprising.ph or https://www.facebook.com/pahinanikjah/ or
www.kjah.bandcamp.com

………………………………………………………………….
Video and Music Credits:

Creative Direction by: Anygma
Shot by: Gon aka Nonoy B
Edited by: Gon aka Nonoy B
Extra editing by: Deep 22
Lighting by: Twengstyle Pilipinas
Extra lighting by: Selpawnz

Produced by: Uprising
Special thanks to Pasaheroz: Boss Dennis, KMG, Sak Maestro, Tweng, Emar Industriya
Special thanks to: Kuyang Batak and KJah Truthfulness Seminar

Lyrics by: KJah, Tatz Maven, and Kregga
Produced by: Tatz Maven
Mixed and Mastered by: Juss Rye of Music Colony
Executive Produced by: Anygma
Released under Uprising Records Philippines

___________________________________________________

PATALASTAS

Chorus:
Kalibre naming pambihira
Tiyak na ‘di mo pa nakita
Bilis mo kasing maniwala
Sa mga kungwari alam ang wika
Tenga’y palaging nakatakip
Ni minsan ‘di ako bumilib
Kahit pilit magpaka-tanga
Bigyan ng tiyansa, wala talaga

1st Verse, Tatz Maven:

‘Di to basta ligaw na bala
Ito’y sinadya na makatama
Malamang sa malamang mapapaaga
‘Di ka na aabutan ng umaga
Walang tropa-tropa sa collabo
Pumapaslang pag kinakailangan
Para malaman panahon mo na, na parang nagsusulat ako ng pamuhatan
‘Di mo namalayan may nakapatong na pala sa ulo mo
‘Di korona kundi bomba sabog lahat ng panaginip mo
Sige isipin mo, paano mo kaya ako magapi
Imposible to parang Pilipinong susunugin ang sarili salapi
Sapagkat ‘di mangyayari, ‘di maaari
‘Di hahayaan na ika’y makabawi
Tila alilang tinapaktapakan
‘Di makalakad pagkat buto’y nabali
Dahil yari lamang sa mga mababang uri
Kaya mapa boombap o trap
Kahit anong beat oy ika’y mayayari
Madaling madale, istilo binabali
Walang kwentang sinasabi
‘Di mo kayang tumbasan ang tagasalba’t salbahe
Sapagkat higit sa lahat
Ika’y tinatawanan lang
Walang patikim ang tiyansa
Kaya buhay weather weather lang

Chorus:
Kalibre namin pambihira
Tiyak na ‘di mo pa nakita
Bilis mo kasing maniwala
Sa mga kungwaring alam ang wika
Tenga’y laging nakatakip
Ni minsan ako’y bumilib
Kahit pilit magpaka-tanga
Bigyan ng tiyansa, wala talaga

2nd Verse, Kregga:

Wala talagang kapaga-pagasa’t
Kapakipakinabang ang mga talangkang nagpapataasan
ng ihi sa parang ang daan-daang manunulat at daan-daang komposisyon
Tila dinangkal lang din lahat ng isang kolaborasyon
Ito’y patalastas parang agilang pumapagaspas
Paghampas ay lalagaslas sa mga ungas na kakaripas
‘Lang ligtas sa mga pangil, kaming tunay na panganib, walang makakapigil tila namumuong talahib
Pagdating sa patalasan ng ideya’t lirikal
Isa ‘to sa naka basa ng labing-walong ritwal
Hinati sa tatlo hanggang sa maging punyal
Dinisenyo ko ang dila sa digmaan ng berbal
Kaya ‘di bale nang ‘di maniwala sa kabaliktaran nitong tanikala
Ito’y talinghagang naka parirala, lamya daw ‘tong Bisaya
Du paminawa kung paasaran, ako’y patas lamang
‘Di pasagaran sa pamantayan, ‘di patalakan kundi patalasan ng kalatas-patalastas-talastasan

Chorus:
Kalibre namin pambihira
Tiyak na ‘di mo pa nakita
Bilis mo kasing maniwala
Sa mga kungwaring alam ang wika
Tenga’y laging nakatakip
Ni minsan ako’y bumilib
Kahit pilit magpaka-tanga
Bigyan ng tiyansa, wala talaga

3rd Verse, KJah:

Simulan ang bagsakan, eksakto, panga ko’y kumakalam
Buhos mo na ang lahat ng papel, akin na ang panulat, gamit para silaban
Kalakip, mga nilagdang titik na sanhi ng pagdingas
Humaharabas ang mga tampalasan, harangan ng nagbabagang kadiliman
Tara na! Wala nang marami pang sinasabi, pwede mong gamitin mga salitang kalye
Para magmukhang astig ang pilantik ng labi
Pero bobo ka naman sa mga estudyante
Tinuturuan ko pano tanggalin ang dyahe, akala nila dati paramihan ng babae
Pinakita ko kapangyarihan ng lenggwaheng may kakayahang huwad na prinsipyo ay mabali
Anong sinasabi mong ganun lang kadali, baka ‘di mo alam ga’no kabigat tinanggap kong sisi
Nang hindi ko naabot inaasahan ng magulang makatapos mas piniling
Makasingit sa napakahirap na kulturang baboy na literatura ang pinapansin kesa sa mga gigil
Na ipamalas ang angking galing walang kasing hambing ang utak na may pagka-misteryosong yungib
Sisid!
‘Di alintana, anumang parirala bigyan mo pa ng kumpas
Para masiguro ko sayong sa loob ng isang minuto ay walang ligtas
Itong mga sinabuyan ko na ng kumukulo patuloy pa rin sa pananaginip
Abot mo sakin bayoneta, palayasin sa planeta at lunurin sa dugo niyang pinasirit. Birit!

(Visited 4 times, 1 visits today)
Medical CBD Oil! More than 50% off sale today!

Hemp Oil Bought By Athletes

You might be interested in

WHERE ARE YOU GOING?

CBD Oil Sale Today! Get your CBD Oil at 66% off!